*
*
*

Entries for May, 2006

May 5, 2006
Bicol Express
Posted at 08:24 AM

Hindi ako fan ng Bicol express although bicolano ako Mas ok sa'kin ang crispy binagoongang baboy na slightly maanghang. Kung hindi ka fan ng Bicol express, ano pa ang dahilan kung bakit mo gustong magpunta sa Bicol? Ano ba ang meron sa Bicol na wala sa ibang parte ng Pillfeens? hmmmm.... Actually marami. Sa bayan na lang mismo namin marami ka ng pwedeng madiscover. Sa bayan ng Bulusan ang hometown ng momma ko. Ito ang huling bayan ng Sorsogon. Dito matatagpuan ang bulusan lake. Meron ding Bulusan volcano pero its ironic kase wala ito sa Bulusan ito ay nasa bayan ng Irosin. Sa mismong barangay namin, meron kaming river at dagat (inangkin daw). Official ng ginawaran ang bayan namin ng DENR bilang protected zone dahil sa likas na yaman na abundant dito. Meron ding sariling sandatahang lakas ang bayan namin kase dito rin ang kuta ng mga neps aka NPA. Marami akong kwento tungkol sa mga 'yan pero sa ibang araw na lang 'yon. Sana makapunta kayo sa bayan namin dahil sinisigurado ko sa inyo na makakalimutan nyo na nasa Pillfeens kayo. Sobrang close to nature ang drama nyo dito. Pero dahil sa pagdaan ng panahon....dahil sa mga makabagong technolohiya....'wag na kayong magulat kung sakaling makita nyo si mamang magsasaka na nagpapahinga sa ilalim ng puno ng mangga habang nagte-text. Maganda ang bayan ko kahit hindi pa gaanong nadadalaw ng maraming tao, hindi naman ito nalimot ng panahon.

Balak sumama ni Mang Leo sa'kin sa Bicol. Syempre ok na ok sa'kin 'yon kaso hindi ko alam kung kelan pwede. Fiesta sa'min sa July siguro sa July na lang para birthday gift ko na rin sa sarili ko Mang Leo try kong magpareserve sa July. Ok? Ays sunod ka na lang.




May 6, 2006
Caviteno
Posted at 08:31 AM

May sakit ako kahapon at maysakit pa rin ngayon pero nandito ako sa office nagkakalat ng virus. Company outing namin bukas pero wala lang sa'kin. Sa Cavite daw ang lugar na'yon pero mukhang wala ni isa sa'min ang masaya. Sana pinamigay na lang sa mga agents ang pera na gagamitin sa outing na'to o kaya dinner na lang per group. Sisimulan ko ng magplano para sa future happenings starting June dahil parating na si Sezy at gustong mag Bicol ni Mang Leo dahil balak nya yatang libutin ang buong Pillfeens bago sya umalis next year patungong Canada. Paubos na ang kayamanan ko at wala pa sa kalahati ang taon Sana sa susunod kapag magkakaroon ng outing, sana bayaran na lang ang mga agents para matulog ng 2 days. Mas ok pa yun.





may katuloy...


May 8, 2006
The Morning After (Caviteno: Part II)
Posted at 05:15 PM

Kakauwi ko lang galing sa Cavite Company Outing namin at hindi ko akalaing mage-enjoy din pala ako kahit papaano. Balak ko na agad bumalik dun kasi its really a beautiful place. Its really just a hotel na bagong tayo kaya maganda pa sya. Malapit lang sa manila yet tahimik. Masarap magpahinga dun lalo kung may kasama kang ka-one night stand o kaya eh isang potential significant other. Its a nice alternative to the best hotels in the city. You guys should try it. You'll love it...I know I did




Pictures to follow.

currently listening: Love Won't Let Me Wait by John Legend


May 10, 2006
Picture Perfect (Caviteno Part III: Last Part)
Posted at 11:20 AM

Eto na ang mga pics nung weekend.

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Maraming salamat sa mga team mates ko for being nice and accomodating. Ang saya pala maglaro ng Pinoy Henyo especially kung pagod kayong lahat Kung anu-anong kabaliwan ang nasasabi mo! Sa uulitin!



currently listening to: calls being recorded for calibration


May 11, 2006
To Hell And Back
Posted at 10:52 AM

This a bad day. No. This is a terrible day. I overcharged a customer who wants to make a payment using a credit card. I wasted almost an hour trying an impossible solution to a customers request. Ano pa ba ang pwedeng mangyari ngayon na pwede kong ikatanggal sa kumpanyang 'to? Punyeta!!!!!



May 13, 2006
Moms
Posted at 09:25 AM

HAPPY MOTHERS DAY




currently enjoying: First of Summer by UrbanDub


May 15, 2006
To The Max!
Posted at 07:41 PM

Moment ko sa Max Restaurant.


May 24, 2006
Super Bowl
Posted at 11:24 AM

Masakit ang katawan ko. Almost 2 weeks ng ganito ang pakiramdam ko. Minsan may lagnat tapos bigla na lang mawawala tapos bigla akong sisipunin ng mga dalawang minuto tapos maglalaho na lang na parang bula tapos sa gitna ng gabi bigla na alng akong giginawin tapos biglang pagpapawisan... Kailangan ko ng magpatingin sa doctor kaso wala akong time kaya dinadaan ko na lang sa kain. Masama ang epekto sa'kin ng summer....palagi kase akong natutuyuan ng pawis sa likod. Ganito rin ang nangyari sa akin almost 16 years ago bago ako naconfine sa Medical City. Kakatakot tuloy.

Kasama ang tatlo kong officemates nagpunta kami sa Time Zone last week after ng sweldo at kumain sa World Chicken. Masaya kaso bitin. (sa uulitin)

Last week din namin pinanuod ang DaBabincheeGoat kaso di ko nagustuhan. Feeling ko comedy sya na si Stephen King ang sumulat ng screenplay

Dumating na rin si Sezy at laking gulat ko na sya pala ay ikakasal na. Nagmeet kami last sunday sa Rizal at nagpakabusog na naman at nagbowling kagabi sa Libis. Gusto kong nagbo-bowling kahit di ako magaling kase sport sya ng tamad. Pwedeng kumakain, tapos uupo pagkatapos tumira, konting kwento tapos titira ka ulit....sarap. Elegantly wasted talaga.

Next week bago ka umalis Sezy mag supper naman tayo tapos bowling ulit saka videoke!



May 27, 2006
Kamusta Naman
Posted at 11:30 AM

Kamusta naman kayo. Medyo hindi maganda pakiramdam ko ngayon. Lately napapansin ko na madali akong maging affected at mairita sa mga bagay sa paligid ko. Ang bilis kong magalit. Kung legal lang ang pagdala ng baril (and of course murder) at pagsunog ng bahay malamang ilang barangay na rin ang na-massacre at nabura ko sa mapa. Haaaay ang sarap talagang mangarap. Tatlong oras na lang at uuwi na ako pero hindi ako masaya (eto na naman ako).

*Nakakatuwa itong kausap ko kase African-American sya pero sinusubukan nyang magtagalog kase Filipina ang asawa nya.*

Aalis na naman kami next week dahil magkakaroon kami ng TeamBuilding aka Videoke Challenge sa Laguna at bago 'yon magkikita pa kami ng mga highschool friends ko (sana sa wednesday) for a farewell supper for Sezy and a week after sa birthday celebration naman ni Pebbles. Mukhang masaya talaga ang June...

----------------------------------------------------------------------------------

Maraming natapos this week. Ngayong linggo natapos ang highly rated na Extra Challenge ng GMA na namayagpag sa ere ng halos 7 taon na syang naging dahilan kung bakit dumagsa ang asian-novela sa pillfeens (kung paano nagyari 'yon well, kayo nang bahala mag-analyze). Natapos na rin ang last leg ng Amazing Race 9 na kung saan nagwagi yung favorites ko na 2 hippie and of course natapos na rin ang almost 6month run ng 5th season ng American Idol na kung saan si Taylor Hicks ang tinanghal na ultimate idol. I like his voice kase it reminds me of Michael Mcdonald and Marc Cohen.





pahabol:
Advanced happy birthday to my sister and Pebbles!!! Kamusta ka naman dyan Mang Leo?


May 30, 2006
Is This What You Want? Really?
Posted at 02:51 PM

I've never been
The one to raise my hand
That was not me
and now that's who I am
Because of you
I am standing tall

My heart is full
of endless gratitude
You were the one
The one to guide me through
Now I can see
And I believe
It's only just beginning

This is what we dream about
But the only question with me now
Is do I make you proud
Stronger than I've ever been now
Never been afraid of standing out
Do I make you proud

Everybody needs to rise up
Everybody needs to be loved
To be loved



May 31, 2006
You're A Wonder
Posted at 03:57 PM

Photobucket - Video and Image Hosting


*
*


adonis_estrada

*
*

                    HOME

*
*
*
*
your name:

url:

your message:

*
*
*
*
Home - Profile - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links