*
*
*

Entries for February, 2005

February 7, 2005
Enrico Masamang Tao
Posted at 03:10 PM

Ano na ba ang nangyayari sa mundo ngayon? Matagal na akong walang entry dito sa Tabby kase sobrang dinugo ako sa trabaho. Gosh! Muntik na akong ma-confine sa hospital sa sobrang stress (kawawa naman ang aking heavenly body) pero dahil na rin sa bisa ng berdeng punla eto pa rin ako at lumalaban sa mga hamon ng buhay. Tatlong buwan na rin akong hindi nakakapagfile ng leave (...at hindi 'yon magandang pangitain lalo pa't palagi akong ngarag sa trabaho) kase palagi na lang akong nauunahan (tinamaan ng lintek).
*sigh*
Ayoko talaga ng panggabing shift. Nung nagkaroon ng shift bid early this year ang hiniling ko ay manatili sana ako sa AM shift. Nagkatotoo nga naman ang hiling ko at nilagay ako sa TWELVE AM na shift! NYETA!!! Kaya eto ako ngayon, basang basa sa ulan at walang masisilungan, walang malalapitan.... windang, tuliro, nahihilo, nalilito. PAKSHET! Struggle to the max ang drama ko ngayon mga kids. Kaya sakaling makasalubong nyo ko somewhere here in Ayala o kahit dyan sa Ortigas, 'wag nyo na akong tanungin kung kamusta na ako...instead hampasin nyo ako ng malakas na malakas para kahit papaano maramdaman ko na buhay pa ako (galaw galaw baka ma-stroke).

--------------------------------------------------------------------

Napansin ko na matagal na rin pala akong hindi nagpo-post ng aking pamosong movie review. Well, para sa mga fans ng Adonis Estrada Movie Extravaganza (kung meron nga talaga) eh, malapit na ang kanyang Return of The Cumback.
*nananabik ka na ba?*

--------------------------------------------------------------------

Marami akong hindi naikwento sa inyo nitong mga nakaraang araw pero baka next time ko na lang isulat kasi sumasakit na ang ulo ko kapag nagpa-flashback ako sa mga events na ''yon. Next time na lang.



pahabol:
Nadukutan nga pala ako ng wallet sa Y.R.Y.S sa Glorietta nung Sabado kaya windang at balisa ako ngayon sa pagtrabaho ng mga papeles para dito. Kainis talaga to the highest chervaloo!!! KA-I-NIIIS!!!!Nandun ang dalawang credit cards ko at ang aking ATM pati na ang tickets ko ng Queens on Fire...huhuhuhu...
Salamat nga pala sa lahat ng mga walang sawang bumibisita sa aking bloga. Mabuhay kayong lahat!!!

music of the moment: Bahala Na by NeoColors (not sure of the title)
currently feeling: cannibalistic


February 15, 2005
Betty Boop
Posted at 03:47 AM

These are pics taken from the Queens on Fire concert last Sabado. Kainis kasi hindi ako nakapunta. PAKSHET!








*These pics are courtesy of RVMultimedia.com and RVML*



music of the moment: Will You Still Love Me


February 22, 2005

Posted at 02:02 AM


PARATING NA SYA...



February 24, 2005

Posted at 05:37 AM


Malapit na....



February 28, 2005

Posted at 05:17 AM


ETO NA SYA...



*
*


adonis_estrada

*
*

                    HOME

*
*
*
*
your name:

url:

your message:

*
*
*
*
Home - Profile - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links