*
*
*

Entries for August, 2004

August 3, 2004
Rank 23
Posted at 11:15 AM

Hindi namin napanood ni Lulu ang 13 Going on 30 last Friday kasi inusog yata ng Megamall ang playdate to give way to local films. So wala kaming nagawa kungdi panoorin na lang ang Catwoman kahit hindi ko sya feel. Shempre hinintay pa namin ang pagdating ng presensya ng Moonprincess88 bago namin nasilayan ang kalandian ni Halle Berry. Halos APAT na oras naming hinintay si Moonprincess88 aka Jasmine Trias aka Tabulas Diva aka Friendster Master bago kami nakapasok sa loob ng bulwagan.

*sigh*

Hindi ako lubos na nasiyahan. Pangit ang Catwoman. Mas ok pa siguro ang Garfield. Gud lak sakin next week. Balak ko ring panoorin ang Eternal Sunshine of The Spotless Mind ni Jim Carrey kahit pa weird sya. Malapit na rin ang showing ng The Village ni M. Knight Shalala maganda kaya itu? Well, eto na naman ako at nababato sa buhay.

*sigh*

Etong seatmate ko na si Darkwinter ay kina-career ang aming schedule rotation dahil nanganganib na malipat sya ng pang-gabing shift. Pag nagkataon eh, hindi na kami magkasabay dahil balak kong maging pang-umaga forever! Dito kasi sa aming nayon ay allowed kang mamili ng schedule provided na maganda ang schedule adherance performance mo. Meaning, may ranking kami dito. Number 1 ang rank mo kung ikaw ang may pinakamagandang performance (walang lates, absences, aux violation, etc...). 59 kaming lahat sa account na ito, unfortunately ako ay nasa rank 23 at ang Royal Highness Darkwinter ay pang 29 Gud lak na lang sa'ming dalawa!
Pagod na naman ako ngayong week...ang daming trabaho at sobrang busy sa sex life....kailan kaya matatapos ang aking pagdurusa?

*sigh forever*

Lord help meeeeee!!!!!
hmmmmmmmmmm


August 8, 2004
Immortal Sunset of the Pointless Brain
Posted at 02:33 PM

Bad trip ang week na ito. Grabe!!! Sobrang pagud na pagod ako. Punyeta, ang dating 5 calls per day (11 hours) ko eh naging 5 calls per hour! Whew! Sobrang nahihirapan ako. Hindi pa nga ako totally nakaka-adjust sa bagong mga natutunan ko eh ito na kaagad at marami ng incoming calls!
Lord help meee!!!
Ang hirap mag document, sobrang windang to the highest level ang brain cells ko.
Nalilito, nahihilo, nalilito, nahihilo ang utak ko sa dami ng irrate callers.
*sigh*
Pati ako irrate na rin. Bwiset!
Naku! Vacation leaves here I cum!

------------------------------------------------------------------------------------
As usual, dumaan na naman ang Friday at syempre nanood na naman kami ni Dyosa_Mystica ng movie. At ang movie of the week ay..... Eternal Sunshine of the Spotless Mind starring Jim Carrey and Kate Winslet.

Like ko sya...

I know its hard to believe but i really like this movie. Well, it's true na you only realize the value of something kapag wala na sya.
tsk, tsk, tsk, ...
Pero nakakatuwa yung movie kasi in the end ang gusto na nyang palabasin ay kung kayo talaga eh kayo talaga at walang sino man ang makakapigil nito. Ang ganda nung twist.
Basta like na like ko sya talaga. Swear!

---------------------------------------------------------------------------------------

This is my LSS for the week!


Oh no, don't go It's hours till dawn
And there's no one who'd rather be with you
I know you know other girls like me
I let you take my love
Knowing you don't love me

But if I could reach you some way
If i knew the magic it would take
To love you good enough on the outside
And make you feel it on the inside
Maybe I could make you stay

If I could reach you

The dark is getting light
And you're dressed to go
And never said a word about tomorrow

But if I could reach you some way
If I knew the magic it would take
To love you good enough on the outside
And make you feel it on the inside
Maybe I could make you stay

If I Could Reach You
by Fifth Dimension
From: David Cassells
If I Could Reach You by The Fifth Dimension


August 10, 2004
Kailangan pa bang I-memorize 'yan? Bisyo na 'to!
Posted at 10:54 AM

Balak ko sanang mag file ng Leave this week and next week kaso I've decided na 'wag na lang kasi kaya ko naman talaga at nag-iinarte lang naman ako. Nag request din nga pala sa'kin si Mr. Meat Market a.k.a. Glyphed a.k.a Wylmer na makipag swap ng skeyjul this cumming Friday and pumayag naman ako kasi uuwi daw sya sa kanilang prabins sa Dagukan este Dagupan (pasalubong ko ha). Graveyard ang pasok ng pasaway na si Wylmer so malamang graveyard din ako papasok for the said swap!
*whew*
My Gosh! Its been what? Eight months?! ...nung huli akong tumuntong sa graveyard country...?!@&$# ??? Nung huli akong pumasok ng 8pm, I think nasa Sykes pa ako noon. Yes! Tama! Nasa Sykes pa ako noon, and I think that was last January 13 early this year, so hindi pa pala eight months no? (almost)
Well, anyweyz seven months na rin akong nasa morning shift and malamang ganun parin this cumming August 22 (wish ko lang 'wag 5am noh!).
*sigh*
Nakakamis din naman ang night shift kahit papaano (dahan-dahang titingin sa kisame sabay ngiti feeling mo may iniisip pero wala naman).
Gusto ko ang night shift kasi;
1. first of all, mas malaki ang sweldo (2,000 Php ang difference sa morning peeps),
2. hindi ka hirap gumising,
3. pwede kang mag-coffee with your friends before and after work at;
4. shempre mas marami talagang special cash bonuses 'pag pang-gabi ka.

(hmmmmmm, napa-isip bigla at parang gustong bawiin ang shift bid sa workforce*)

On the other hand, Gusto ko naman ang morning shift kasi;
1. regular ang takbo ng body clock ko,
2. nasa tamang oras din ang aking pagkain (kaya sobrang gastos)
3. hindi ako ina-atake ng pimples at eyebags na gawa ng puyat,
4. pwede kong mapanood ang aking mga favorite primetime TV shows gaya ng Mulawin, Will and Grace at ang America's Next Top Model hosted by Tyra Banks (ngek ) at marami pang iba at,
5. shempre pwedeng-pwede kang gumimik kasama ang mga friends mo na hindi taga call center on weekends (mahalaga yun) kasi yung mga clubs and bars usually may mga specials sila on weekends dah bah!

(hmmmmmm, napa-isip ulit. maybe mas-ok nga talaga ang pang-umaga kasi ayoko naman na palagi na lang tuwing sa tanghaling tapat ako makikipag-sex noh!)

*sigh*

Ano ba? Nang-aano ka eh...


pahabol pla hindi pahapyaw (ang tanga!):

Belated hapi bertdey kina Phunatik at Glyphed
Get well soon kay Darkwinter.
Kongratchuleyshens kay Kat, ang aking magiting na supervisor for having a wonderful, healthy baby boy.
Best weeshes kay Ms. Ava Ondar'Santos Bea for she is getting merid this cumming Dishembre (yahoo!).
Hindi ko alam kung paano batiin ang isang taong lumaya na sa bilibid basta welcome na muli sa malayang lipunan Mr. Dennis Masangcay!



.....at sa lahat ng may sini-celebreyt dyan....isama nyo naman kami

*workforce - department sa People Support na gumagawa ng work schedule ng bawat rep for all accounts/teams.
Sumusunod by The Jaboom Twins


August 11, 2004
The Pandesal Chronicles
Posted at 05:31 PM

Pag labas ko kaninang umaga on my way to work at around alas kwatro in the morning ay may isang car na huminto in front of me.

(hindi ko alam kung anong model ng car it was kasi medyo sleepy pa me)

Nung tumapat na ako dun mismo sa driver, binaba nya yung window nung chikot sabay sabi...

"may pandesal na?"

"wala pa po eh, baka mamya pa po'ng kwarter to five."

"saan ba ang punta mo?"

"sa crossing po..."

"sakay ka na..papunta ako ng San Miguel..."

"ok..sure"


Without any pag-aalinlangan, sumakay naman ako. Gosh ito ay isang maagang pamasko!

"anong oras ang pasok mo?"

"5"

"saan?"

"makati"

"magkano na ba ang pamasahe ngayon sa jeep 'pag galing dito sa'tin?"

"twenny wan pay sauce"

"magkano ba dati?"

"forteen pay sauce"

"grabe pala ang itinaas no?"

"yah"

Lumipas ang forti meenitz ng kwentuhan tungkol sa karumihan ng ating government at family matters, kami ay nakarating narin sa Megamall.
(on the way kasi ay nakikinig kami sa mga komenteyters sa AM band)

"salamat po manong"

Yehey! Nakatipid ako ng twenny wan pay sauce. Shucks! Thank you talaga Lord. Sheeet! Meron pa akong spare na twenny nayn meenitz which means hindi ako late today. Hmmmm..... Ano kaya ang ibig sabihin nun? Upon reaching Shaw Blvd., may I para na me ng cab.

"magpandesal ka muna"

"huh? (ano daw?)"

"kain ka muna...saan ka ba pogi?"

(pogi daw o! )

"Makati po...kanan ng Buendia-kaliwa ng Paseo"

"ang aga naman ng pasok mo! kahapon may naisakay din ako na payb-terti naman ang pasok"

"oo nga eh, pero ok lang"

Sampung minuto ng balitaktakan tungkol na naman sa pulitika at mga tax issues ang aming tinalakay ni Manong taxi driver kasabay ng seex tea tree pay sauce cab fare ay dumating na nga ako sa Feelam Layf Billdeng.

"ingatz po"

Haaay, last day bago mag-rest day. Ano naman kaya ang mangyayari sa araw na this.

*sigh*

Pagdating sa 14th floor...

4:55 am

...hindi ako late.

(totoong may Dyos!)
Don't Cry Out Loud by Melissa Manchester


August 15, 2004
Walang Tawiran, Nakamamatay
Posted at 04:18 PM

Pinanood namin ni Best Friend ang The Village kahapon sa Megamall habang bumubuhos ang malakas na ulan sa kamaynilaan. Dapat si Gwyneth ang papanoorin namin kasi nakita ni Dyosa na showing na ang Sylvia ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa sya palabas sa SM supermall na ito.

*sigh*

Kakalungkot. Kulangot

Imbes na madismaya naisipan na lang namin na kumain kaya go kami sa second floor at umorder sa Triple V ng siopao, siomai, special fried rice, sinigang at flavored water (na hindi naman talaga water). After 30 minutes ng kabusugan nagtungo na kami sa sinehan at nanood ng sangkatutak na movie trailers (exaggerated).

*sigh*

Pagkatapos ng 40 minutes ay nagsimula na ang palabas. Blah, blah, blah, blah, blah.....bzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!....

"anong nangyayari? hindi ko maintindihan? parang may mali! hey! something's not right here! ano ba???"

"para akong nanonood ng isang joke!, ganun ba talaga sya...there's something fishy going on...I will get to the bottom of this...."

Haaaay......after 2 hours of astonishment eh eto na ang movie review.
Brace yourselves people!

(Disclaimer: kung hindi mo pa napapanood ang movie na ito sorry ka na lang pumikit ka na lang muna o kaya eh pumunta ka kay soulfly at i-click mo yung hyperlink ng "alin ang naiba")

The Village by M. Knight Shalala ()

Summary:
May Village…..sa labas ng village may monster. Bawal lumabas ng village. Ang lumabas ng village-PATAY! Eh, nagkataon na may nangailangan ng gamot kase mamamatay na sya….so paano na? To the rescue si girlaloo sa kanyang prince Charming na autistic para kumuha ng gamot sa city. Pero ang catch ay kailangan nyang tumawid ng gubat syempre kailangan nyang kalabanin at maging pansamantalang katipunera para lang makakuha ng gamot laban sa mga creatures who’s name we dare not speak of. Would you believe na nagtagumpay sya! Nasabi ko ba na bulag sya? Yes mga friends bulag po ang girlaloo na’to and yet nakatawid sya at nakakuha ng gamot. PAKSHET! Tapos na ang movie. Akala nyo siguro ‘yon na ‘yon no? Well, may pagkapraning din itong si M. Knight Shyamalan. Hulaan nyo kung ano yung twist. Runaway winner ito for best comedy film of the year mga peeps! Swear


pahabolbits:

bon voyage to my pasaway friend na si Shirley Francisco na patungo ng Australia for some training chervaness for 3 weeks
Sasakyan Kita by Gladys and the Boxers with K


August 16, 2004
Olympics 2004
Posted at 01:14 PM

Namiss ko yung opening nung Olympics last Saturday. Kainis
Well, para sa mga hindi fan ng Olympics eto po ang ilan sa mga nangyari nung opening ceremonies na really worth watching. Ganda!





Ladies and gentlemen, Mr. Ian Thorpe






For more exciting pictures and updates on the 2004 Olympics, why don't you go to Athens !


August 17, 2004
Bakasyon Grande
Posted at 07:34 PM

Sa Sunday na ang balik ko mga peeps hindi ko akalain na pwede pala akong magkaroon ng ganito kahabang break. saraaap!

Welcome back kay Glyphed na galing din sa mahabang bakasyon pati na rin kay Autumn_Star!


August 23, 2004
Mayaman Lang ang Lumiliban
Posted at 07:32 AM

Back to work. Back to reality. Back to hell. Footah, akala ko pa naman dahil sa mahabang bakasyon ko ay mami-miss ko na ang work at manunumbalik na ang sigla at gigil ko sa aking trabaho...hindi pala, bagkus lalo pa akong tinamod, I mean tinamad.

*sigh*

Tila hindi ko na maaaring mabawi pa ang dating sigla at pagnanasa ko sa trabaho. Buhat kahapon...its almost as if na parang medyo may pagka 'di ko na feel pumasok. Palagi na lang "call in sick" ang itinitibok ng puso ko.

"umabsent ka"...bulong ng aking damdamin...

Pilit kong tinatakasan ang tukso. Mahirap. Masakit. Nakakapagod. Masikip sa dibdib. Pero ang bottom line ay...kailangan ko ng kadatungan at kapag naghihikahos ka sa buhay....at pakiramdam mo ay pinagsukluban ka na ng tadhana, bigla mo na lang mari-realize na.....

........BAWAL MAGKASAKIT!
........BAWAL UMABSENT!

BAWAL!
BAWAL!
BAWAL!

Don't even dare think na aabsent ka, because its bawal. Thinking aloud is forbidden if you're planning to make absent in the working environment chervaness. Shucks to the highest level!

Nakapanlulumo naman. Sadyang malupit ang kapalaran. Tama na.

*sigh*

Well on the lighter side of things....nanood ako ng Alien vs. Predator, The Stepford Wives at shempre ang Now That I Have You. Ganun pala 'yon....kapag bored to death ka na....parang lahat ng pelikula maganda. Juice ko!

At first I was afraid, I was petrified. Akala ko sobrang kahindik-hindik at nakapangingilabot sa kapangitan ang Alien vs Predator or AVP for short. Nagkamali ako. First time kong nakapanood ng pelikula na parehong bad guy (or aliens) ang bida....naalala ko tuloy yung nakaraang eleksyon kung saan dibdiban ang laban sa pagitan nila FPJ at GMA. Mainam na panoorin nyo na lang sya. Enjoy din naman sya kahit papaano.
Dark comedy naman ang The Stepford Wives...witty yung mga lines....para syang comedy version ng The Village.
Finally, peeps I suggest you go watch this film Now That I Have You. Pulido. Masaya. Maganda yung bida. (Hmmmm...ok fine. Medyo bumibilib na ako kay Joga or maybe bunga lang ito ng pagkabagot ko sa buhay) Basta I think mag-eenjoy kayo sa movie na ito. After watching it, feeling ko napaka-romantic sumakay ng MRT. Wala lang


pahabol:
Farewell kay Hathor aka Lt. Marge....long live and prosper darling!
...our paths will cross again..so....until then


August 24, 2004
Makasisiguro...Gamot ay Laging Bago
Posted at 07:06 AM

I have a new background pic as you can see. If you haven't been to this place (duh) its like in Quiapo y'know near Plaza Miranda beside the Church where they make hila the Black Nazarene every January..Gosh! (hihihihihihi)
Well, apparently pupunta kami ni Manay Loowee sa Quiapo this Friday (sakaling may ticket pa) to watch this play about gay sex. Ano naman kaya ang pwede kong malaman sa play na ito na hindi ko pa alam...hmmmmm.....wish ko lang may aral yung play. Yahoo


"kamay ang ginagamit sa pagkain, hindi taxi"
-Morelos, Michael (Now That I have You)


Trip to Quiapo anyone?


August 26, 2004
Do the Foxtrot
Posted at 03:53 PM

Happy 2nd anniversary to the ever makulit Foxtrot batch of MSN-IA TS voice! Gosh 2 years na tyo mga bitch!


August 29, 2004
Ang Eskenita sa Quiapo
Posted at 03:23 PM

Instead of our usual Friday-Movie night out, minarapat namin ni bestfriend Loowee na manood ng play sa Bahay Nakpil sa Quiapo. Ika-dalawampu't pito ng Agosto pa lamang noon kaya wala pa kaming pera, pero dahil sa kami ay parehong adventure seeker kaya ginusto naming manood ng play (for a change). Ang pamagat ng play ay Bi-Diaries.

"Bawat isa sa atin na naririto ay KONSEPTO"

Ito ang sabi sa'min ng director bago nagsimula ang play. Hindi ko ito naintindihan at hindi ko rin malaman kung ano ang kinalaman nito sa storya ng play na kanilang itinanghal pero nung sinabi nya na bawat isa sa miyembro ng production ay kailangang i-maximize ang talent, sa palagay ko sya ay nagpapa-awa effect lang.

"Nakikita nyo po na ang aming lights-man ay sya rin pong production manager namin kasi sya po ay isang konsepto at kailangan po naming i-maximize ang talent nya"

Ano daw? Ewan ko sa inyo, pero para sa'kin ang ibig lang nyang sabihin ay wala kaming budget at isa itong cheap production. Juice ko! Ano kaya ang mangyayari sa play na'to?

Alas-siyete kinse nang magsimula ang pagtatanghal....may hinihintay daw kasing mga importanteng panauhin (whatever!).

Bi-Diaries

setting:
Ginanap ang play sa isang sobrang lumang bahay sa Quiapo aka Bahay Nakpil. Isa ito sa mga ancestral house sa Manila na naitayo noong panahon pa yata nila Rizal.
Sa garage ginawa ang play. Kundi lang sa mga naka-ayos na monoblock chairs eh hindi mo mapapansin na may play pala na ipapalabas doon. Animoy pulong lamang ng mga kagawad ang gaganapin ng mga oras na'yon.
Wala akong ma-recall na stage design. Kung meron man, ang sabi ng director eh eksperimental daw kaya kung ano man ang nakikita naming kakaiba 'yon daw ay bunga nga ng pagiging eksperimental ng kanilang play (whatever ulit!)
Ok fine! So eksperimental sya,pero please 'wag nyong gamitin na excuse ang eksperimental na klase ng play para matakpan ang kawalan ng budget! Ano ba? Kainis!

Supposedly ang play ay naganap sa isang boarding house minsan sa kalsada o kaya sa loob ng isang gay bar. Pero kailangan mong maging imaginative para ma-visualize ang mga nasabing lugar dahil eksperimental nga sya.

"babae na 'ko!!!! putang ina!!!! babae na 'ko!!!!"
-Louisa

characters:
Che-che: isang teen-ager na bading na naghahanap ng jowa
Louisa: isang older bading na nag-Japan at nagpa-sex change
Jerry: isang teen-ager na GRO na malaki ang etits
Alfred: ang iniwang kasintahan ni Louisa bago sya magtungo sa Japan na malapit ng ikasal sa isang tunay na babae (kamukha daw ni JC Bonin na bida sa bagets ayon kay Dyosa_Mystica)
Zelda: klosetang bading na magaling magsayaw pero hindi macho dancer
Grifford: ex-jowa ni Zelda na macho dancer na magaling mag-emote at maganda ang ngipin
Kuya Dindo: may-ari ng boarding house na isa ring klosetang bading pero thundercat
mga excess:
dalawang macho dancers
isang customer
isang baklita (batang bading)

"Griiiiiiiifoooooooord!!!!!"
-Zelda

summary:
Dumating galing Japan itong si Louisa taglay ang kanyang bagong operang kasarian na kaibigan ni Che-Che na mukhang babae pero may lawit. Habang abala sa kabaklaang chika ang dalawang hitad sa boarding house ni Che-Che ay biglang enter naman si matandang Dindo para ipakilala si Zelda na closeta bilang bagong boarder.
Pakyut ang Zelda at kunwari pa na hate nya ang mga transvestites at nagpakilalang isang chickboy (taroosh!).
Dahil sa marami ng pera ang Louisa, mega libre naman ang gaga sa gaybar at dito nga nakilala ni Che-che si papa Jerry na according to him ay dakota ang mulawin to the highest level (ay kaloka itetch!). Isang player si Jerry pero hindi sya player ng anumang sport, sya ay player pagdating sa sex. Anything for money ang drama ng notang ito at si Che-che ang pinakabago nyang biktima (naku po!).
Tumawag kinabukasan si Alfred kay Che-che using the cellphone at ipinasa kay Louisa. Si Louisa ay biglang nagdrama dahil mega dialogue daw ang Alfred na tigilan na raw nila ang kung ano man ang meron sila dahil malapit na siyang ikasal. So syempre, mega-cry naman ang Lola Louisa at drama all over itoh. At dahil sa dramahan na ang mood, nagkita naman sina Zelda at ang ex-jowa nyang si Grifford. Emote to the max naman ang Grifford kesyo hindi na sya karapat-dapat kasi wala syang natapos chervaness chuvaloo chu-choo! Issue ditto, issue dyan, issue kung saan saan. Ang drama ng lahat.
Finally, lumadlad na si Zelda kay Louisa tungkol sa kanyang pagiging kloseta at naging friends na silang tatlo. Dahil sa hindi na kinaya ni Louisa ang sobrang kalungkutan at pagkabigo eh lumaklak na ito ng lason na mukhang enervon multi-vitamins. Bongga ang pagkamatay ng hitad na’to….ang huling pangitain nya bago pa man sya pumanaw ay syempre si Alfred. Nagsex muna sila bago sya namatay (o dah vah! Heaven muna bago Hell) Habang kinakaladkad ni Zelda si Louisa patungo sa hospital cherva, hindi nakasunod si Che-che dahil hinarang sya ni Jerry. Dumating si Jerry para gatasan na naman si Che-che. Naging bayolente ang dalawa sa kanilang pagtatalo at nasugatan si Jerry habang nahubaran naman si Che-che na naging dahilan ng pagtalsik ng tinapay nya sa dibdib. Dahil hindi lang sa dibdib may pandesal si Che-che, meron din syang six pack mga lola eh nagawa nyang magapi si Jerry at magdrama at the same time (kaya nyo ‘yon?).
Pagbalik ni Zelda para ibalita na dead on arrival na si Louisa, mega drama na naman ang lahat. Dali-daling tinungo ni Che-che ang bangkay ni Louisa kasunod si Jerry na kailangan na ring dalhin sa ospital dahil sa tinamong bugbog mula kay Che-che. Habang nagi-emote itong sa Zelda ay bigla namang pasok ang Grifford para maki-join sa mega-emote dramahan portion ng play.
Finally, nagkasundo sila na their made for each other kaya end na ang show. At yun na!

“titi ko lang ang nakuha nila at hindi ang puso ko”
-Grifford
any porno magazine


August 30, 2004
Paalam
Posted at 01:06 PM

Tulad ng opening, na-miss ko rin ang closing ng Olympics....pero ito ang ilan sa mga naganap sa nakalipas na Athens 2004 Olympics closing ceremony













For more exciting pictures and updates on the 2004 Olympics, why don't you go to Athens !


August 31, 2004
Pakstrat sa Dads
Posted at 05:46 AM

Eto ang ilan sa mga nangyari last Huwebes.... very disturbing! Kung matatakutin ka, may this serve as a warning....hehehehe



Cheers to us! More years to cum guys


In Love Ako sa Nota by Aleck Bovick


*
*


adonis_estrada

*
*

                    HOME

*
*
*
*
your name:

url:

your message:

*
*
*
*
Home - Profile - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links