*
*
*

Entries for April, 2004

April 12, 2004
watch out!!!
Posted at 02:43 PM

journals are on the way........

thanks!


April 18, 2004
Tahong, aligue, sugpo, tilapia atbp.,.....
Posted at 03:23 PM

The Holy Week is over. My Gosh! hindi ko man lang sya naramdaman, the "Holy" part that is. Well, kung meron man akong nagawa that week, wala syang kinalaman sa pagiging banal.
Ano nga ba ang mga ito:

1. Tahong, sugpo, tilapia, at aligue ang tumambad sa aking mga mata ng dumalaw ako sa pabasa ng aking balikbayan friend noong Maundy thursday sa Quezon city. As usual, late akong dumating. Natapos ang pabasa ng ala una ng hapon at dumating ako ng alas kwatro. Syempre wala na akong ibang pwedeng gawin kundi ang kumain, lumafang, lumamon, tsumibog, lumaklak at magpakabundat noong hapong 'yon kasabay ang kwentuhan tungkol sa mga classmates namin noong highschool.
(In short-BORING, hehehehehehe)

2. Pauwi na ako galing sa pabasa ng aking ma-realize na meron palang alay lakad. Ang alay lakad ay matagal ng ginagawa ng ating mga kapatid sa pananampalataya. Ito ay magmumula sa meralco - ortigas avenue hanggang antipolo church. Mukhang enjoy naman ang alay lakad lalo na kung mga barkada mo ang kasama mo. Nakita ko kung gaano kadami ang sumali dito, bulto-bulto ang bilang ng mga taong nakilahok. Kung hindi lang ako bundat sa dami ng aligue na nilamon ko kina Sezy eh malamang naki-join na rin ako.
(masaya sya kaya sasali ako next year-sama kayo?)

3. Eleven years na rin akong hindi nakakaakyat sa bundok sa likod ng bahay namin kaya minarapat kong akyatin muli ang bundok na naging malaking bahagi ng aking kamusmusan. Naging tradisyon na ng mga taga San Carlos ang akyatin ang bundok na ito tuwing mahal na araw kasi may Grotto sa taas. Ang sarap ng feeling kapag nasa taas ka na kasi tanaw mo na ang Laguna bay. Talagang relaxing ang mood habang inaalala mo ang iyong mga childhood adventures...
(time travel ang drama ko dito-medyo naging senti ang holy friday)

4. Hindi ko kayang mag fasting kaya natulog na lang ako ng Black Saturday.

5. Back to work na ang Easter sunday para sa'kin.


Hindi man naging spiritual bliss ang weekend na 'yon para sa'kin eh ok na rin kasi may natutunan naman akong mahalagang bagay.

-natutunan ko na hindi magandang dumating ng late kasi ang dadatnan mong pagkain eh yung tira-tira na lang....lalo na kung favorite mo ang sugpo kasi yan yung unang nauubos.

-nalaman ko rin na kapag pupunta ka sa isang lugar na dinarayo ng karamihan kahit sa likod lang ng bahay nyo ay dapat palagi kang may dalang pera. Para makabili ka ng mga binebentang mga junk food, palamig, halo-halo, ice cream at iba pa na masarap kainin habang umaakyat ng bundok.

-narealize ko rin na masarap balikan ang nakaraan lalo pa kung gusto mong mang lait ng tao at muling pagtawanan ang mga katangahan na nagawa mo noong mga panahong payatot ka pa at tadtad ng pimples.

-ang panlalait ay walang pinipiling oras, araw at panahon kahit Holy week pa yan.


April 19, 2004
Terminal Velocity
Posted at 04:19 PM

It was one helluva-week! Everything is in fast forward. It started with me being late on my very early sunday morning shift as a domain registration guru and since then everything has been one roller coaster ride.

Monday:
Syempre, pagkatapos ng sobrang hectic na sunday schedule eh eto na naman ako at kumakaripas ng takbo para mahabol ang 5am na shift ko.

"Punyeta!!! 3:54 am na! I'm late...shit!!shit!! FUCK!!! grrrrrrr....."

Dumating ako sa labas ng subdivision namin ng 4:10am at laking gulat ko ng ako ay nakasakay kaagad. Well sabi nga ni Whitney Houston eh, there can be miracles when you believe. Pero mas ok sana kung you have the power to stop the time na lang diba para mahaba pa yung time ko para maligo ng husto. Buti na lang at naligo na ako the night before bago ako matulog kaya ubra na 'yan.
MAKATI HERE I COME!

Well, well, well ...what do you know, after all the hoolabaloo in travelling all the way from the boondocks eh hindi nga ako na late. I'm 2 minutes early pa.
(ang saya saya!)

Tuesday:

Tuesday is not a good day. Mas malala ito! Na-late ako ng 10 minutes. Kung anong ganda ng bati sa'kin ng umaga kahapon, sya namang bantot ng araw ko ngayon. Kalungkutan, pighati, sigalot at dalamhati ang tanging laman ng puso ko. I was defeated. Nagmistulang isang playground na walang tao at mga bata ang mundo ko. Tila isang boksingero na pilit ibinabangon ang sarili kahit na duguan na ang mukha. Kaawa awang nilalang.

Well, ganyan ang buhay. Minsan masaya, minsan malungkot pero ako mas madalas ang lungkot kaysa sa tuwa. Minsan puro libog lang nga eh. Puro panandaliang aliw at kasiyahan lang. Just for a moment ika nga. Shit! Ayoko ng ganitong life! Lord 'wag ganun...
Pwes, tama na ang drama. Harapin ang bukas ng buong tapang at diterminasyon. Ibangong muli ang pag-asa!!!! Ibangon!!!

Wednesday:

Ayoko ng mabuhay!!!!!!!! Tama na ang kahibangang ito. I'm a big LOOSER!!! Panahon na para tanggapin ko na isa akong delingkwenteng bata. Bwisit!! na late ako ng 2 minutes!!! Grabe na ito. Hindi dapat magpatuloy ang ganito kung gusto kong maging isang huwarang office boy. Arrrrrhhgggg!!!!!! Kainis!!! Gising pogi! GISING!!!!

Ilang sandali lamang eh nag end shift na ako. My week has come to a drastic conclusion finally, it ended.......

.........3 schedule adherance violation. Memo ito!

I ended that wednesday shift with an email to my supervisor saying that I can't afford to have this 5am schedule.

Well, too bad for me my request wasn't granted. My supervisor is very polite and professional about the whole thing and if its any consolation, he informed me that its so nice of me to actually make the initiative to inform him about my lates.

Huli man at magaling, huli pa rin!

God is good!
To Reach You by Regine


April 21, 2004
Musmos
Posted at 11:11 AM

"angel of God,
my guardian dear
to whom His love
commits me here
ever this day,
be at my side
to light and guide
to rule and guard"
- amen

Ito ang prayer ko everynight nung ako ay musmos pa lamang. Gabi-gabi kailangan kong dasalin yan para matupad ang mga pangarap ko sa buhay. I held on to this prayer until I finished highschool. Sa murang edad na apat eh alam ko na ang halaga ng panalangin. Kailangan nating magdasal para magpasalamat, humingi ng tulong, humingi ng awa, humingi ng payo, ng understanding, ng asawa, ng anak, ng kabit, etc., etc., lahat na lang ng pwedeng hingin ay palaging sa prayer sinasama. Kaya nga ako eh walang pinagkaiba sa ibang mga bata na mahilig ding humingi kay Lord ng kung anu- anong mga bagay. Hoping and wishing that someday with God’s approval and my guardian angel's help I will finally have my one and only childhood wish……..

.......................ang magkaroon ng SUPERPOWERS.

Oo, matagal ko ng pinangarap na mapabilang sa superfriends kaya everynight pagkatapos ng prayer ko na "angel of God' eh wish na'ko agad na....

"Lord sana magka-powers na ako bukas...sana Lord, please Lord give me my powers...kahit anong power pwede na sa'kin, kahit ano basta meron."

Matatag ang aking pananampalataya. Puno ako ng pag-asa. Malakas ang tiwala ko sa Panginoon at sa Kanyang kabutihan na one of these days eh ibibigay na nya sa'kin ang aking matagal nang minimithi, ang ganap na mapabilang at maging isang tunay na kasapi ng pamosong samahan na nagkakaisa upang isulong ang pag-ibig at katarungan laban sa kasamaan at mapang-api na Superfriends a.k.a. Justice League. Lubos kong ninais na makapasok sa Hall of Justice at makita ang wonder twins at maka shake hands si Aqua Man bago pa sya pumalaot sa karagatang pasipiko. Gusto kong lumipad kasama si Clark Kent. Humuli ng mga magnanakaw katulong ni Batman. At masaya sigurong makipag kulitan kay Wonder Woman sa loob ng kanyang invisible jet. Palagi kong ring iniisip kung anong hayop ang pipiliin ko sakaling makisali ako sa wonder twins kapag sinabi nilang.... "wonder twin powerrrrr!!! activate!"
Gusto ko bang maging Blue Whale o maging isang ice cube na lang.
O kay sarap isipin.....Ano kayang power ang ibibigay ni Lord?
I just can't wait.

Naghintay ako. At sa loob ng mahabang panahon ay patuloy pa rin akong naghintay....at umasa.

Matagal. Nakakabagot. Nakakainip.

Halos isang dekada ang tinagal ng aking paghihintay. Pero puno pa rin ako ng pag-asa. Taglay ko ang pinagsama-samang pasensya ng buong sanlibutan. 'Di natitinag sa kanyang kinalalagyan. Natapos ko na ang buong season ng Perfect Strangers sa channel 9, maging ang cosby show. Natapos ko na rin ang buong season run ng China Beach at Star Search pero wala pa rin. Dumaan na ang ilang episode ng Star Trek, ng Dynasty, Falcon Quest, Knots Landing at Dallas eh hindi pa rin ako binibigyan ni Lord ng kapangyarihan. Maging ang Golden Girls ay pinagtiyagaan ko na rin. Lahat ng 'yan natapos ko, pero sa kasamaang palad ang powers ko.......wala pa rin.

Dumaan ang ilan pang mga araw, oras at panahon. Natapos ko na ang elementarya maging ang highschool. Pero wala pa rin.

Huli na ba ang lahat?

Naiwanan na ba ako ng byahe patungo sa Hall of Justice?

May pag-asa pa ba?


April 27, 2004
Drama Queen
Posted at 10:07 AM

Last week was a blast! It was one helluva, chuva cherva loo, evahhh experienzahhhh!!!! I noticed that there's a lot of things pala in my so-called life na I should be thankful for. Oh, these small wonders. They never ceazes to amaze me! There's so much to talk about, so much to do, so much to discover, so much to celebrate and with so much human drama involved everything is just so overwhelming. Its fun seeing my highschool buddies again. The fascination never stops. Walang puknat na panlalait sa kung sino-sino ang aming pinuntirya na lubos kong ikinatuwa. (joke) Given todays high end technology, some people still chose to stick to their own miserable self. Nowadays, its a crime not to be beautiful. The anecdote just keeps on pouring in. Here are some of the highlights of the week that was:

1. Sinimulan ko ang linggo na puno ng pagpupunyagi. I don't have any lates from sunday up to wednesday. I ended the work week with a bang. Ako ay nagwagi! Ang aking paghihirap ay bunga ng walang puknat na pananalig sa kapangyarihan ng french fries sa Mcdonalds at ng roasted garlic mayo ng Wham burger. What a great display of will power. Mabuhay ka pogi! Itaas mo!!
(wow! verum est...totoo ba ito?)

2. The sex last wednesday in the shower room was awesome!!!! The trip to the sauna is one well deserved retreat for this weary but determined warrior. Sarap to the last drop! I didn't know chocolates also cum in these sizes....can't wait for the next supply, just keep 'em cumming please!!
(ooops! kids pakitakpan ang mga mata, bastos 'to...hehehehe)

3. Thursday was an eye opener for me. We visited my friend's dad in the hospital who just got out from the ICU in Medical City, Mandaluyong City, the city of BenHur Abalos. Taroosh!
Sharon's dad is lucky to have a great family for his support system or should I say his network. (sa dami ba naman ng apo at mga anak nya) Juice ko! But my only worry that night is not about his stubborn heart failing to cooperate in the successful healing process but the number of relatives who came to visit his mini fortress of solitude! It seems as if the whole clan was there. Hindi naman obvious na close sila. Hindi masyado! Sabi nga ng asawa ko sa commercial ng Nestle ice cream;

"Iba talaga 'pag sama sama...ang kwentuhan ay mas masaya".

Agree naman ako dun, yun nga lang kung maliit lang ang space, mas gugustuhin ko na lang na hiwahiwalay kaysa mamatay dah bah?
All of a sudden eh 'di ko na feel ang "the more, the merrier". We could have died in suffocation if not for Mitchel who can't seem to contain himself (probably trying to avoid the confrontation that might lead to realization caused by a not so distant cruel encounter with Sharon's older brother), initiated the effort to bid everybody farewell.
According to legends and superstitious beliefs the reason behind Mitchel's eagerness to leave is caused by an unpleasant experience with sharon's older brother about a microphone...hehehehehehehe
(mas gusto yata ng kuya ni Sharon na mag dribble ng bola kaysa makitang kumakanta si Mitch sa harapan nya hawak ang kanyang microphone) Hmmmmmmmmmmm...chismis ito!
On a serious note, seeing Sharon's dad in the hospital brought back memories of me in the same hospital exactly a decade ago towards the end of our third year in highschool. I was excused for over a month while I recuperate from a fatal lung something which gave me ample time to ponder about the important things in life. Moments like these really makes me wonder how it would feel like to die alone or to die young without any achievement/s or without someone to cry over your decaying corpse. O, anong lungkot! I could have died in '93 but thanks to my ever amazing parents I was able to fill my lungs once again with joy and hope.
(ang kadramahan nga naman ng buhay! bigla na lang sumusulpot at pag dumating eh ayaw ng lumayo, ano ba? get away..get away from me...you drama you!!!)


Dumating ang Friday na puno ng sigla. Wish ko lang!
Iba Talaga by Regine


*
*


adonis_estrada

*
*

                    HOME

*
*
*
*
your name:

url:

your message:

*
*
*
*
Home - Profile - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links